Home HOME BANNER STORY DOJ: Ang, Barretto ikokonsiderang mga suspek

DOJ: Ang, Barretto ikokonsiderang mga suspek

MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iimbestigahan sina businessman Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto makaraan silang idawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa panayam, sinabi ni Remulla na ang dalawang personalidad ay isasama sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) makaraang ituro ni Julie Patidongan, alyas Totoy, si Ang bilang mastermind umano sa pagdukot at itinuturo rin si Barreto sa pagkawala ng mga sabungero.

“They will be included. Because they were named, then we will have to include them as suspects,” ani Remulla.

“That will be evaluated by our group of fiscals, who will be assigned to evaluate all the evidence so that we will know what cases to be filed properly.”

Samantala, iginiit naman ni Ang na siya ay inosente kasabay ng paghahain ng reklamo laban kay Patidongan sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 3.

Aniya, si Patidongan at ang isa pang dating empleyado ay nagbanta na idadamay siya sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung tatanggi itong magbigay ng P300 milyon. RNT/JGC