Home HOME BANNER STORY Passenger ship, fishing vessel wasak sa salpukan sa Lucena Port

Passenger ship, fishing vessel wasak sa salpukan sa Lucena Port

264
0

MANILA, Philippines – Nagbanggaan ang isang passenger ship at fishing vessel sa Port of Lucena sa Quezon nitong Huwebes, Hulyo 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pahayag, iniulat ng PCG na alas-7 ng umaga, bumangga ang passenger vessel MV Peñafrancia VI na patungo sa Marinduque, sa Fishing Vessel (FV) Sr. Fernando 2 na malapit sa Lucena breakwater.

Matapos ang banggaan, inatasan ang MV Peñafrancia na bumalik sa Port of Talao-Talao, Lucena City para sa imbestigasyon at inspeksyon.

Ang mga pasahero naman ay inilipat sa MV Peñafrancia IX para sa medical checkup at cargo assessment.

Nagtamo ng pinsala ang passenger vessel sa starboard bow at ramp nito, habang bow naman ang nasira sa FV Sr Fernando 2.

Ligtas at nasa maayos na kondisyon ang lahat ng 82 pasahero at 18 crew members na sakay ng MV Peñafrancia VI, at ang 16 crew members ng FV Sr Fernando.

Wala namang banta sa oil spill o below-waterline damage ang nangyaring insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here