Home HOME BANNER STORY Halos P10M halaga ng frozen meat at sibuyas, sinalakay ng NBI at...

Halos P10M halaga ng frozen meat at sibuyas, sinalakay ng NBI at PCG sa bodega sa Maynila

AABOT sa P10 milyon halaga ng mga frozen meats at sibuyas na galing sa China ang sinalakay ng National Bureau of Investigation sa isang bodega sa Quirino Ext. Paco, Manila. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bodega kung saan nakatambak ang milyong halaga ng frozen meat at sibuyas sa 1142 Quirino Ext. Paco, Maynila.

Mismong si NBI Director Jaime Santiago ang nanguna sa pagsalakay kung saan tumambad ang tatlong malalaking storage na naglalaman ng frozen meat products at imported na sibuyas na hindi pa tukoy kung saang bansa ito galing.

Ayon kay Santiago, naka-karton ang mga frozen meat na kanilang natagpuan, habang sako-sako naman ng pulang sibuyas na tig-limang kilo ang nakita rin, sa dalawang bodega.

Ayon sa NBI at PCG, sinalakay nila ang warehouse dahil sa nakuha nilang impormasyon na walang kaukulang permit ang naturang warehouse na nag-iimbak umano ng mga smuggled product.

Ayon kay Santiago, aabot sa halos P10 milyon ang halaga ng mga nadiskubre, na ngayon ay isasailalim sa imbestigasyon kabilang na ang care taker na naabutan sa nasabing lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden