Home NATIONWIDE DOJ: EV incentives ‘di kailangang kopya ng CARS program

DOJ: EV incentives ‘di kailangang kopya ng CARS program

122
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na ang Electric Vehicle Incentives Strategy program (EVIS) na binubuo ng Board of Investments (BOI) ay hindi kailangang eksaktong kapareho o gayahin nang buo ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program.

Ang legal na opinyon ng DOJ ay inilabas ni DOJ Secretary Fredderick A. Vida at ipinadala kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino S. Rodolfo, na siyang managing head ng BOI.

Ayon kay Vida, “Ang EV incentives strategy na ipapatupad sa ilalim ng EVIDA (Republic Act No. 11697 o Electric Vehicle Industry Development Act) ay hindi kailangang eksaktong kapareho ng CARS Program.”

Aniya ang Section 24 ng EVIDA ay nangangailangan lamang na ang EV incentives strategy ay maging “similar,” hindi “identical” sa CARS program.

Kaya’t maaari umanong gumamit ang EV incentives strategy ng anumang legal na mekanismo ng insentibo, na maaaring magsama o hindi magsama ng TPC (Tax Payment Certificate).

Dagdag pa ni Vida, sa kasalukuyang kaso, ang EVIDA ay nangangailangan lamang na ang EV incentives strategy ay ‘similar’ sa CARS program.

Bukod dito, hindi malinaw na ang terminong ‘similar’ ay binigyan ng teknikal na depinisyon.”

Ang CARS program ay inilunsad noong 2015 sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 182 upang hikayatin ang pamumuhunan sa lokal na paggawa ng sasakyan gamit ang insentibo ng gobyerno. Samantala, ang EVIDA ay nilikha upang isulong ang industriya ng EV sa bansa.

Humingi si Rodolfo ng legal na opinyon ng DOJ matapos ipresenta ang draft EVIS sa Fiscal Incentives Review Board (FIRB).

Ayon kay Rodolfo, nagkaroon ng pag-aalala ang FIRB kung ang EV incentives strategy sa ilalim ng EVIDA ay kailangang eksaktong gayahin ang CARS program.

Dagdag pa rito, tinanong din ng FIRB kung maaaring magbigay ang EV strategy ng mga insentibo tulad ng Tax Credit Certificate (TCC) sa halip na TPC na ginagamit sa CARS program. Jocelyn Tabangcura-Domemden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here