Home NATIONWIDE DOJ inilunsad bagong prosecutors manual

DOJ inilunsad bagong prosecutors manual

1
0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) ang ikatlong serye ng Manual for Prosecutors upang higit na mapahusay ang kakayahan, propesyonalismo, at etikal na pamantayan ng mga piskal sa bansa.

Pinangunahan ni Justice Secretary Frederick A. Vida ang paglulunsad ng bagong manwal na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa city, provincial, at regional prosecution offices.

Pinalitan ng bagong manwal ang huling rebisyon noong 2017 upang maisama ang mga pinakabagong patakaran at proseso sa sistemang pangkatarungan.

Kabilang sa mahahalagang pagbabago ang pagsasama ng DOJ Circular No. 015 o ang 2024 DOJ-NPS Rules on Preliminary Investigation and Inquest Proceedings, na nagtataas sa pamantayan ng ebidensya para sa pagsasampa ng kasong kriminal sa korte.

Isinama rin ang DOJ Circular No. 028 o ang 2024 DOJ-NPS Rules on Summary Investigation and Expedited Preliminary Investigation na naglalayong pabilisin ang pagproseso ng mga kasong may parusang pagkakakulong na mas mababa sa anim na taon.

Ayon sa DOJ-NPS, layunin ng bagong manwal na higit pang mapalakas ang kalidad ng prosekusyon at matiyak ang patas, episyente, at maayos na paghahatid ng hustisya para sa mga Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here