Home NATIONWIDE DOJ officer kinasuhan ng NBI sa P12-M fraud

DOJ officer kinasuhan ng NBI sa P12-M fraud

244
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang administrative officer ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y pag-divert ng hindi bababa sa ₱12 milyon na pondo ng gobyerno, ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari.

Ayon kay Mallari, ini-refer ng DOJ ang kaso sa NBI noong Disyembre 22, 2025 matapos matuklasan ang iregularidad sa payroll ng mga regional prosecutors. “Nadiskubre ng DOJ Payroll Section na may mga iregularidad sa paghahanda ng payroll ng mga regional prosecutors, at nang makumpleto ang mga dokumento, ito ay isinangguni sa NBI para sa imbestigasyon,” ani Mallari.

Umuulat na in-reactivate umano ng suspek ang payroll accounts ng mga retired, resigned, at inactive na prosecutors at idinirekta ang mga benepisyo sa tinaguriang “mule accounts.” “Dahil siya ang may hawak ng payroll, nagawa niyang i-reactivate ang mga accounts at ilipat ang mga benepisyo papunta sa mga iligal na mule accounts,” dagdag niya.

Nagsagawa ang NBI ng entrapment operation noong Lunes, Disyembre 22, mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon sa DOJ Payroll Section sa Manila matapos makumpirma na ang mga government bonuses, kabilang ang Performance Enhancement Incentive (PEI) at Special Recognition Incentive (SRI), ay na-credit sa mga account na konektado sa suspek.

Ang suspek at ilang umano’y kasabwat ay kinasuhan ng malversation of public funds, qualified theft, graft, at iba pang cybercrime-related offenses at kasalukuyang nakakulong.

“Hindi magsasawa ang NBI sa pagpapatupad ng batas. Mananagot ang sino mang lalabag, kahit pa sila ay mula sa loob ng gobyerno,” diin ni Mallari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here