Home NATIONWIDE ICI magpapatuloy sa final reports kasunod ng bagbibitiw ni Fajardo

ICI magpapatuloy sa final reports kasunod ng bagbibitiw ni Fajardo

245
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Malacañang na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay uusad na sa pag-finalize ng mga ulat at paghahanda ng dokumento para sa Office of the Ombudsman at iba pang ahensya kaugnay ng imbestigasyon sa mga kuwestiyunable na proyekto sa imprastruktura.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ang anunsyo ay kasunod ng pagbibitiw ni ICI Commissioner Rossana Fajardo sa katapusan ng taon.

Sinabi ni Gomez na patuloy ang trabaho ng ICI at nakatuon na ngayon sa mga final reports at maayos na paghahanda ng dokumento para sa susunod na hakbang.

Tinukoy ni Gomez na nakumpleto na ni Fajardo ang kanyang mandato matapos ang financial forensic review ng pondo ng mga proyekto sa ilalim ng imbestigasyon.

“The President thanks Ms. Fajardo for her service and for helping ensure that public funds are properly accounted for,” dagdag niya, at iginiit na bahagi ito ng mas malawak na layunin ng administrasyon para sa transparency at accountability sa gobyerno.

Ayon kay Gomez, pansamantala at malinaw na nakapaloob ang tungkulin ni Fajardo sa ICI: “Ms. Fajardo was brought in for a clear financial forensic purpose—to closely review the money linked to the projects under investigation and help trace where public funds went. That work is now finished.”

Ang mga natuklasan ni Fajardo ay isasama sa rekomendasyon ng ICI at opisyal na isusumite sa tamang ahensya, kabilang ang Office of the Ombudsman at Commission on Audit.

Inilunsad ni Pangulong Marcos ang ICI matapos ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address noong Hulyo 28, kung saan inihayag niya ang umano’y korapsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects.

Si Fajardo ang pangalawang commissioner na nagbitiw, kasunod ni dating DPWH Secretary Rogelio Singson na nag-resign noong nakaraang buwan at nagreklamo tungkol sa kakulangan ng kapangyarihan ng ICI. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here