MANILA, Philippines – Nananatili ang obligasyon ng Pilipinas na kilalanin ang mga alituntunin ng pagiging kasapi nito sa International Criminal Police Organization (Interpol).
Ito ang iginiit ng Department of Justice (DOJ) bunsod ng mga ulat na posibleng humingi ng tulong ang International Criminal Court (ICC) sa Interpol upang makuha ang hurisdiksyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para isinasagawa nitong imbestigasyon sa naging kampanya laban sa iligal na droga.
Nilinaw ng DOJ na kahit umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute (ang treaty na bumuo sa ICC), nananatili ang Pilipinas bilang member country ng Interpol.
“Thus, when requests are made by the ICC through the Interpol and Interpol, in turn, relays such requests to our country, the Philippine government is legally obliged to accord due course to the same, by all means,” nakasaad sa pahayag ng DOJ.
Una nang inihayag ng Malacañang na igagalang ng Philippine governmentang desisyun ni Duterte na sumuko sa ICC sa sandaling mapatunayan na guilty ito sa kasong crimes against humanity committed dahil madugong anti-drug campaign.
Simabi kahapon ni Duterte na handa umano itong mabulok sa kulungan kung mapatunayan na nagkasala.
Binigyan-diin ng DOJ na bilang member country ng Interpol, hindi nito maaring hadlangan ang anumang kilos ng Interpol maliban kung sasalungat ito sa polisiya ng Pilipinas.
Sinabi ng DOJ na sa ilalim ng ‘principle of comity’ walang haharangin ang Philippine government hanggat hindi nalalabag ang mga batas ng bansa. Teresa Tavares