Home NATIONWIDE DOJ tiwala na made-deport si Teves

DOJ tiwala na made-deport si Teves

MANILA, Philippines – Nananatiling umaasa ang Department of Justice (DOJ) na agad mapapatapon pabalik ng Pilipinas si dating Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr. matapos muling maaresto sa Timor Leste.

Kumpiyansa ang DOJ na maipadedeport ang dating kongresista depende sa direksyon na tinatahak ng pamahalaan ng Timor Leste.

Itinanggi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV ang mga pahayag ng legal counsel ni Teves na si Ferdinand Topacio na idineklara ng korte doon na iligal ang pagkakulong ni Teves dahil sa kapalpakan ng DOJ kung kaya pinalaya umano ito sa Becora Prison sa Dili, Timor Leste habang nakabinbin ang pagdinig sa extradition request ng Pilipinas.

Binigyan-diin ni Clavano na ang pagpapalaya at muling pag-aresto kay Teves ay hindi maituturing na balakid dahil bahagi ito ng judicial process ng Timor-Leste.

Si Teves ay kasalukuyang nakasa kustodiya ng PolĂ­cia Nacional of Timor Leste (PNTL) at ihaharao sa korte para sa extradition hearing.

Nahaharap ang dating mambabatas sa 10 bilang ng kasing murder, 12 bilang ng kasong frustrated murder at apat na bilang ng kasong attempted murder na dinidinig sa Manila Regional Trial Court Branch 51 kaugnay sa madugong pangyayari sa Pamplona, Negros Oriental. Teresa Tavares