Home NATIONWIDE Warrant vs Quiboloy, ‘di patas – KOJC

Warrant vs Quiboloy, ‘di patas – KOJC

MANILA, Philippines – Tinawag na hindi patas o ‘unjust’ ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa puganteng Appointed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ang tugon na ito ng KOJC ay kasunod ng aksyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Lunes, Hunyo 10, nang pumasok ang mga pulis sa compound ng KOJC sa Davao City para isilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy.

Nahaharap sa mga reklamong child prostitution, sexual abuse, at iba pang mga paglabag katulad ng pang-aabuso,
cruelty o exploitation at iba pang kondisyon sa mga bata si Quiboloy.

Ayon sa KOJC, illegal na nilusob ng mga pulis ang KOJC compound, Prayer Mountain, at Glory Mountain sa Barangay Tamayong, Davao City, at ang ari-arian ng KOJC sa Kitbog, Sarangani Province.

“We strongly condemn the manner of implementing the arrest warrants insofar as they were not only laden with irregularities, but they were excessive and overkill,” sinabi ng KOJC.

“The PNP deployed special battalions who were in full battle gear, some CIDG officials were even seen wearing bulletproof vests, and hundreds of police personnel in anti-riot gear and shields strategically positioned themselves at the KOJC compound,” dagdag pa nito.

“Even assuming without conceding that the arrest warrants had not yet been served, the implementation of the arrest warrants was unjust and excessive. The Constitution guarantees that all people have a right to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose,” saad pa sa pahayag.

Sinabi ng KOJC na hindi awtorisado ang mga awtoridad na gumamit ng pwersa o hindi pansinin ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng arrest warrant, at ang arrest warrant umano ay hindi search warrant.

“Even searches incident to a lawful arrest, the arrest must precede the search; generally, the process cannot be reversed. Thus, we strongly condemn the highly irregular implementation of the warrants of arrest and the arbitrary and oppressive use of force and violence in enforcing the same,” sinabi ng KOJC.

“We will continue to pursue all legal remedies to protect the constitutional rights of Pastor Apollo Quiboloy, the Kingdom leaders and the entire Kingdom of Jesus Christ,” dagdag pa nito.

Nasaktan din umano ang tatlo sa kanilang mga kasamahan matapos ang komosyon nang sinubukang sirain ng mga pulis ang gate sa KOJC compound.

Siyam na miyembro ng KOJC rin umano ang inaresto at pinosasan ng pulis dahil may mga dala umanong bolo ang mga ito nang maganap ang raid.

“Clearly, the raids resulted in damage to KOJC’s property, unjust handcuffing or arrest of KOJC members, and injuries to several individuals, among others. The members are already preparing a formal complaint against the police officers concerned.” RNT/JGC