MANILA, Philippines – Wala pang natatanggap na opisyal na komunikasyon mula sa International Criminal Court o ICC ang Department of Justice tungkol sa umano’y arrest warrant laban kay Senator Christopher ‘Bong’ Go.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice spokesperson Polo Martinez na naberipika nila ang impormasyon sa Philippine Center on Transnational Crime o PCTC.
Ayon kay Martinez, dapat direktang ipadala ang warrant sa PCTC.
Dagdag pa ni Martinez, dapat ipadala ng direkta sa PCTC bilang bahagi ng mandato ng PCTC na kontrolin at pigilan ang trans national crime.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Davao City lawmaker Paulo “Pulong” Duterte na may “highly reliable source” na nagsabi sa kanya na umano’y naglabas ng warrant laban kina Go at dalawang dating opisyal ng pulisya.
Itinanggi rin ng Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation ang mga pahayag ni Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden