Home NATIONWIDE DOJ walang natanggap na notice sa ICC warrant vs Digong

DOJ walang natanggap na notice sa ICC warrant vs Digong

MANILA, Philippines – Walang natatangap na notice ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa warrant of arrest na inilabas umano ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw din ni Justice spokesperson Mico Clavano na walang inilalabas ang DOJ o anumang korte sa bansa ng subpoena laban sa dating pangulo.

Ang pahayag ni Clavano ay bunsod ng ulay na naglabas na umano ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban kay Duterte kaugnay sa imbestigasyon nito sa drug war campaign.

Sinabi ni Clavano na handa naman ang gobyerno sakaling maglabas na nga ang ICC ng warrant.

Tumanggi na ang ICC Office of the Prosecutor na magbigay ng pahayag sa isyu dahil patuloy pa anila ang kanilanh imbestigasyon.

Ipinaliwanag naman ni Clavano na ang National Central Bureau (NCB) ang may hawak sa mga usapin mula sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Ang NCB ay kinabibilangan ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation ay Bureau of Immigration. Teresa Tavares