Los Angeles, California — Ongoing ang trials para sa kaso ng pagkamatay ng aktor na si Matthew Perry.
Lima ang akusado kaugnay dito at isa rito si Salvador Plasencia, 43, isang doktor na umaming guilty siya sa four counts ng pag-distribute sa Friends star ng ketamine.
December 3 ang sentencing ni Salvador at posible itong makulong ng 40 years.
Sey ng attorney ng doktor na si Karen Goldstein after ng hearing, pinagsisisihan ng client niya ang nagawa nitong kamalian.
“Dr. Plasencia is profoundly remorseful for the treatment decisions he made while providing ketamine to Matthew Perry.”
Last October, naunang umaming guilty ang doktor na si Mark Chavez sa pag-conspire sa pagbibigay ng ketamine kay Matthew.
Si Mark ang supplier ni Salvador at ang huli ay ibinenta ang droga kay Matthew matapos itong patungan nang malaki.
Samantala, “not guilty” ang plea ng diumano’y ‘Ketamine Queen’ na si Jasveen Sangha sa kasong pagbebenta kay Matthew ng dose mismo na tumapos sa buhay nito.
Nakuha ni Jasveen ang palayaw na ito dahil sinasabing high-end ang mga kliyente niya, kabilang na ang celebrities.
May depression si Matthew at bahagi ng supervised therapy para dito ang pag-take niya ng ketamine.
Kaso, naadik siya sa drogang ito na may psychedelic properties at kilala ring party drug.
Ang role ni Matthew sa Friends ay ang batang-isip na si Chandler. Yumaman siya dahil sa popular na television series pero sa kabila nito ay itinago niya ang madilim niyang struggle sa pagkaadik sa painkillers at alak. Trixie Dauz