Home NATIONWIDE DOLE: 10K customer service, call center jobs bakante

DOLE: 10K customer service, call center jobs bakante

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes na aabot sa 10,000 trabaho ang bakante dahil sa mataas na vacancy rate.

Batay sa datos ng Bureau of Local Employment (BLE) ng ahensya, ang dalawang nangungunang bakanteng trabaho para sa panahon ng Pebrero 7 hanggang 13 ay para sa mga customer service assistant at call center agent.

May kabuuang 9,922 bakante para sa nasabing trabaho ang available — 4,961 bawat isa para sa mga customer service assistant at call center agent.

Mayroon ding 3,492 bakanteng trabaho para sa mga production machine operator.

Sinabi ng BLE na ang mga manggagawa sa produksyon ay in-demand din na may 2,707 job openings.

May 1,000 bakante rin para sa mga domestic helper.

Sinabi ng BLE na batay sa Public Employment Service Office Employment Information System ang naturang datos.

Ang iba pang source ng datos para sa mga in-demand na trabaho ay ang job matching portal na pinapatakbo ng gobyerno, ang PhilJobNet. Jocelyn Tabangcura-Domenden