Home TOP STORIES Sen. Bong titiyakin na walang Pinoy na magugutom

Sen. Bong titiyakin na walang Pinoy na magugutom

Isusulong ni Senador Bong Revilla ang mga polisiya para sa mas malakas na food security at matiyak na walang Pilipinong magugutom.

Ginawa ng senador ang pahayag sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign sortie sa San Jose Del Monte City, Bulacan noong Biyernes.

Current Time 0:11
/
Duration 0:45
Sabi ni Revilla, bahagi ito ng kaniyang adbokasiya at plataporma na “Aksyon sa Tunay na Buhay – trabaho at disenteng sweldo; pagkain sa bawat hapag; at sapat na suporta sa mga nangangailangan”.

Aniya, kailangan magkaroon ng mas malawak na pamumuhunan sa sektor ng agrikultura, suporta sa mga magsasaka at mangingisda at istriktong pagpapatupad ng mga batas laban sa mga nagtatago at nagpupuslit ng mga kalakalal.

“Ang tunay na pag-unlad ay hindi makakamit hangga’t may pamilyang nagugutom. Kailangan nating tiyakin na may sapat at abot-kayang pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino,” sabi ni Revilla.

Maganda rin aniyang gawing makabago ang agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng teknolohiya at pagbabago para madagdagan ang produksyon at mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka.

Nanawagan din siya sa mas malawak na tulong pinansyal at mga proyektong imprastraktura para mas lalong maging maayos ang farm-to-market access road at matiyak na magkakaroon ng patas na presyo para sa mga local producer. RNT