Home OPINION DOLE NAGHATID NG MAHIGIT P110 MILYON TULONG SA MGA BIKTIMA NG...

DOLE NAGHATID NG MAHIGIT P110 MILYON TULONG SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD

276
0

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakatakdang maghatid ang Department of Labor and Employment (DOLE)-CALABARZON ng aga­rang trabaho at tulong- pangkabuhayan sa mga komunidad sa rehiyon na naapektuhan ng mga nakaraang bagyo. Ipatutupad ng DOLE CALABARZON ang mga pangunahing inis­yatiba nito upang tulungan ang libo-libong pa­milya sa buong rehiyon.

Layunin na suporta­han ang mga komunidad na naapektuhan ng Ha­bagat at Bagyong Crising, Dante, at Emong, naglaan ang DOLE CALABARZON, sa pa­kikipagtulungan ng lo­­kal na pamahalaan at mga katuwang na ahen­­sya­,­ ng kabuuang PHP110,742,923.50 para sa implementasyon ng mga pangunahing prog­ra­­ma nito, ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) at ang DOLE In­tegrated Livelihood Prog­ram (DILP).

Sa ilalim ng progra­mang TUPAD, 12,120 in­­di­­bid­wal ang makikina­bang mula sa inilaang P98,962,200.00 pondo.
Tatanggap ang mga be­­nepisyaryo ng sahod ba­tay sa pinakamataas na umiiral na minimum na sahod sa rehiyon at magi­ging bahagi sila ng 10-araw na gawain na nakatuon sa paglilinis at rehabilitasyon ng kanilang komunidad.

Kabilang sa mga la­la­­­wi­­­gan, ang Batangas ay ta­tanggap ng PHP 38,458,740.00 pondo pa-ra sa 6,442 benepisyaryo.
Makatatanggap ang la­la­­wi­­gan ng Rizal ng PHP 24,517,050.00 para sa 1,105 indibidwal, habang ang Quezon ay nakatakdang tumanggap ng PHP 18,643,560.00 para sa 1,668 benepisyaryo.

Nasa 1,492 ang makikinabang na benepisyaryo sa Cavite mula sa PHP 8,907,240.00, at ang Laguna ay pagkakalooban ng PHP 8,435,610.00 upang tulungan ang 1,413 indibidwal. Bukod dito, P11,780,723.50 kabuuang halaga ng tulong-pangkabuhayan ang ipagkakaloob sa 1,168 na benepisyaryo, bilang tulong sa mga indibidwal at organisasyon na makapagsimula ng ne­gosyo upang muli nilang mabawi ang kanilang kabuhayan na nasalanta dulot ng kamakailang kalamidad.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, pa­tuloy na nagsusumikap ang DOLE upang isakatuparan ang pangako ng pamahalaan na hindi lamang makapagbigay ng agarang suporta sa kabuhayan kundi pati na rin upang itaguyod ang patuloy na pagbangon at patatagin ang mga komunidad na naapektuhan ng sakuna.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here