Home NATIONWIDE DOLE wala pang natatanggap na ulat ukol sa displaced workers sa POGO

DOLE wala pang natatanggap na ulat ukol sa displaced workers sa POGO

Hindi pa nakakatanggap ang Department of Labor and Employment(DOLE) ng ulat ng mga displaced workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na kilala ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGLs).

Pero ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, minominotor ng DOLE-National Capital Region (NCR) dahil sa NCR karamihan ng IGLs

Kasabay nito, sinabi ni Laguesma na humigit-kumulang 20,000 manggagawa ng POGO ang nauna nang dumaan sa profiling.

Sa pagbanggit sa inisyal na datos mula sa DOLE-NCR, sinabi ng labor chief na karamihan sa mga manggagawang ito ay akma sa mga trabahong may kaugnayan sa administration, finance , human resources, at encoding.

Samantala, hinimok ni Laguesma ang mga apektadong manggagawa na bumisita sa PhilJobMet , ang automated job at applicant matching system na magpapadali sa mga jobseekers na makahanap ng trabaho at employer .

Sinabi ni Laguesma na plano nilang magsagawa ng job fair para sa apektadong IGL workers sa loob ng isang buwan.

Matatandaang na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address noong Hulyo ang total ban ng lahat ng POGO at ipinag-utos na itigil ang operasyon bago matapos ang taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)