Home METRO DOST: Hula ng Japanese manga ‘megaquake’ na tatama sa PH walang basehan

DOST: Hula ng Japanese manga ‘megaquake’ na tatama sa PH walang basehan

MANILA, Philippines — Sinabi noong Sabado, Hulyo 5, ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum na ang isang Japanese manga na naghula na ang isang megaquake ay tatama sa Pilipinas sa Hulyo ay walang siyentipikong batayan.

Ipinaliwanag ni Solidum na hindi tulad ng tropical cyclones, hindi mahuhulaan ang eksaktong oras at lokasyon ng mga lindol. Sinabi ng DOST chief na mayroon lamang “short-term to long-term prediction” para sa mga lindol.

“For instance, there is a fault that we say moves every four to six hundred years, which could potentially cause a magnitude 7.0 earthquake. Our forecast is a possible earthquake scenario, but we can’t say when. So, the exact time, nothing,” paliwanag ni Solidum.

Sinabi rin ng DOST secretary na posibleng magkaroon ng “big one” earthquake, pero “exactly when, we can’t say yet.”
“The fault doesn’t follow that exact movement. It has a range. We have observed its movement between 400 and 600 years,” ayon kay Solidum.

“There is no scientific basis to say that,” dagdag niya.
Ang Japanese manga na “The Future That I Saw” ni Ryo Tatsuki, na unang inilathala noong 1999, ay nagdulot ng takot kamakailan dahil sa isang sipi na nagsasabing, “The real disaster will come in July 2025; the ocean floor between Japan and the Philippines will crack.”

Naniniwala ang ilan na hula ng manga artist ang mapangwasak na tsunami noong 2011 sa Japan, dahil ang kanyang premonisyon ay isinulat bilang “massive disaster in March 2011.” RNT/MND