Home NATIONWIDE DOST magpapaabot ng cash incentives sa mga researcher, tech developer

DOST magpapaabot ng cash incentives sa mga researcher, tech developer

134
0

MANILA, Philippines — Aabot sa P100,000 ang maaaring matanggap na insentibo ng mahigit 100 researchers at technology developers mula sa Department of Science and Technology (DOST) bilang pagkilala sa kanilang mga publikasyon at imbensyon.

Sa awarding ceremony sa Muntinlupa City, sinabi ni DOST Undersecretary Maridon Sahagun na layunin ng programa na hikayatin ang mga mananaliksik na lumikha ng mga makabagong kagamitan at solusyon na makikinabang ang publiko, lalo na ang mga nasa laylayan.

Ayon sa DOST, 144 international publications, limang patents, at 10 utility models mula sa iba’t ibang attached agencies ang napili para sa insentibo sa ilalim ng Intellectual Property Awards.

Ipinaliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na ang mga research output ay dapat nailathala sa mga kilalang journal tulad ng Web of Science o Scopus sa loob ng nakaraang tatlong taon bago ang nominasyon.

Ang mga developer na nakakuha ng patent o utility model registration sa nakalipas na tatlong taon ay bibigyan din ng pagkilala, habang ang mga industrial design na nairehistro sa huling apat na taon ay pasok din sa parangal.

Sa ilalim ng programa:

Hanggang P100,000 para sa published research
P80,000 para sa granted patents
P15,000 para sa utility models

Magkakaloob din ng P50,000 sa ahensya ng DOST na may pinakamataas na bilang ng publications at utility model registrations.

Binigyang-diin ng ahensya na mahalagang maipamalas ng mga mananaliksik ang kanilang mga pag-aaral sa pamamagitan ng konkretong aplikasyon na makatutulong sa pag-unlad ng bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here