Home NATIONWIDE DOTr chief dumalaw sa burol ng mga biktima ng SCTEX accident

DOTr chief dumalaw sa burol ng mga biktima ng SCTEX accident

MANILA, Philippines- Bumisita si Transportation Secretary Vince Dizon sa walong biktima ng naganap kamakailang pagbangga ng bus sa SCTEX na ikinamatay ng 10 katao at ikinasugat ng ilang iba pa sa Seventh Day Adventist Church sa Antipolo, Rizal.

“The Department of Transportation (DOTr) continuously mourns this devastating loss and reaffirms its commitment to pursuing justice for the victims and their loved ones,” ayon sa ahensya sa social media post.

Ang driver ng bus na sangkot sa aksidente ay negatibo sa resulta ng ilegal na droga ayon sa Tarlac City Police Station.

Sinabi ni Dizon na ang lahat ng 273 bus ng Solid North ay sisimulan ngayong May 5 na isailalim sa mas mahigpit na road worthiness inspection gayundin ang lahat ng driver ay dadaanan sa compulsary drug test.

Sinabi ng DOTR na pag-aaralan kung ilang oras dapat bumiyahe ang isang driver ng bus.

Noong Huwebes, 10 tao kabilang ang apat na bata ang nasawi habang mahigit 37 iba pa ang sugatan sa multiple-vehicle collision sa Tarlac City Toll Plaza sa SCTEX.

Sampu ang nasawi na dapat sana ay dadalo ng youth camp ng isang religious organization sa Pangasinan.

Nauna nang binisita ng DOTr at Philippine Coast Guard (PCG) ang burol ng mag-asawa na nasawi sa insidente kung saan naiwan ang survivor nilang anak na dalawang taong gulang.

Sinuspinde na ng 30 araw ang biyahe ng Pangasinan Solid North Transit Inc. kasunod ng pangyayari.

Nakipag-ugnayan na rin ang kinatawan ng kompanya sa pamilya ng mga biktima.

Samantala, ang gobyerno ng Tarlac at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tumutulong sa hospital bills at ibang funeral expenses ng mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden