MANILA, Philippines- Bumangga ang isang SUV sa isang pedicab habang pababa ng kalsada bago masapul sa center island at umatras sa isa pang sasakyan sa Paco, Maynila,
Sa ulat, tila nakaranas ng heat stroke ang driver ng SUV.
Agad namang nadala sa ospital ng dalawang pasahero kasama ang kanyang ina ang driver para mabigyan ng atensyong medikal.
Ayon sa barangay kagawad, humingi ng tulong ang driver habang naninikip ang dibdib matapos lumabas sa SUV habang ang kanyang ina ay nabalian sa paa.
Nagtamo rin ng minor injuries ang pedicab driver at dalawa niyang pasahero matapos umikot ang pedicab nang mabangga ng SUV.
Agad ding nailabas sa ospital ang lahat ng sugatan kabilang ang driver na nahaharap pa rin sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property. Jocelyn Tabangcura-Domenden