
MANILA, Philippines- Matapos ang magkasunod na pagpapatupad ng big time oil price hike, magpapatupad naman ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa, epektibo bukas ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.55 sa kada litro ng gasolina, P0.65 sa kada litro ng diesel, at P0.90 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.
May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.
Ang ipatutupad na rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes