Home NATIONWIDE DOTr kinalampag ni Poe vs car crashes, vehicular accidents: ‘Nakakabahala na’

DOTr kinalampag ni Poe vs car crashes, vehicular accidents: ‘Nakakabahala na’

MANILA, Philippines- Matinding kinalampag ni Senador Grace Poe ang transportation officials na imbestigahan ang sunod-sunod na aksidenteng kinasasangkutan ng sasakyang panlupa tulad ng pagsuro ng isang sport utility vehicle sa ilang pasahero sa departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo.

Binanggit din ni Poe, dating chairman ng Senate committee on public services ang banggan sa Tarlac City Toll Plaza sae Subic-Clark-Tarlac (SCTEX) nitong Huwebes na ikinamatay ng 10 katao kabilang ang apat na bata at mahigit 30 ang sugatan.

“We support moves for a thorough investigation into the NAIA vehicle crash incident and call for urgent attention to the victims,” ayon kay Poe.

“The spate of car crashes and other vehicular incidents in the last few weeks brings worrying thoughts: How safe are our roads? Payapa kang nakaupo bilang pasahero, nagmamaneho nang maingat o naghihintay sa terminal, tapos may bigla na lang babangga sa’yo,” giit ng senadora.

“These cases may be accidents, but many accidents can be prevented or mitigated through proactive measures,” paniniwala niya.

Dahil dito, muling binuhay ni Poe ang kahilingan na lumikha ang pamahalaan ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB) upang masugpo ang transportation-related accidents.

“We reiterate our call for the creation of a Philippine Transportation Safety Board. This will establish a sole agency in charge of investigating transportation-related accidents and incidents in air, land, and sea, including railways and pipeline systems,” aniya.

“The alarming statistics of road mishaps and fatalities calls for the implementation of proactive measures to reduce if not totally curb the accidents,” dagdag ng senadora.

Pinasalamatan din ni Poe si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at ang bagong NAIA Infra Corp. President Ramon Ang sa personal at agarang tugon sa insidente.

Lubhang ikinalungkot din ni Sen. Sherwin Gatchalian ang naturang airport car crash na nangyari ang madugong multi-vehicular collision sa SCTEX.

Sinabi ni Gatchalian na higit na kailangan ang pagtuturo sa gumagamit ng lansangan ng kaukulang road safety disciplines at maayos na pag-uugali para sa mas ligtas na kapaligiran sa lansangan.

“Only with strict adherence to traffic regulations and responsible road-usage behavior can we reduce accidents and protect travellers and pedestrians. Dapat mas higpitan pa ang pagbibigay ng mga drivers’ license,” aniya.

Iginiit din ng senador na dapat patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang responsible sa anumang aksidente sa lansangan.

“Kailangang panagutin sa batas ang maysala para mabigyan ng hustiya ang biglaang sinapit ng mga biktima. Buong puso ang aking pakikiramay sa mga naulila,” giit ng senador. Ernie Reyes