Home HOME BANNER STORY DOTr maglulunsad ng libreng sakay simula Abril 15

DOTr maglulunsad ng libreng sakay simula Abril 15

123
0

MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang service contracting program para sa public utility vehicles (PUVs) simula Abril 15, 2026 upang matulungan ang sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na krisis sa presyo ng langis.

Ayon kay DOTr Secretary Banoy Lopez, layunin ng programa na mapagaan ang gastos ng mga pasahero at masuportahan ang mga operator at driver sa pamamagitan ng subsidiya mula sa gobyerno, lalo na sa libreng sakay.

Nakakuha na ang DOTr ng ₱1 bilyong pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM), matapos itong hilingin noong Marso 16.

“Nabigay na. I’m going to use my existing NCA (Notice of Cash Allocation) na fund para lang magamit ko na yung service contracting, and we can start by April 15,” ani Lopez.

Ipatutupad ang programa sa buong bansa, ngunit inaayos pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng mga ruta at PUV na sakop.

Dalawang uri ng kontrata ang gagamitin:

Sa Gross Service Contract o Libreng Sakay, libre ang pamasahe at binabayaran ang operator batay sa dami ng biyahe.

Sa Net Service Contract, may bayad pa rin ang pasahero at binibigyan ang operator ng takdang halaga para sa bahagi ng gastos sa operasyon at maintenance.

Isasama rin sa programa ang mga rutang konektado sa malalaking transport system.

“Ang habol kasi namin ngayon may feeder routes kami sa busway, papunta sa LRT-1, LRT-2, sa mass transit para hindi rin sayang,” ani Lopez.

Magdaraos ng press conference ang DOTr sa Biyernes para sa karagdagang detalye.

Humiling din si Lopez ng dagdag na pondo upang maipagpatuloy ang programa hangga’t kinakailangan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here