Home NATIONWIDE PBBM sa kanyang kalusugan: Wala po tayong problema

PBBM sa kanyang kalusugan: Wala po tayong problema

183
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na maayos ang kondisyon ng kanyang kalusugan taliwas sa kumalat sa social media na siya ay may stage 4 colon cancer.

Kaya nga, hinikayat ng Pangulo ang publiko na huwag maniwala sa kanilang nakikita sa social media.

Sa isang video, tinanong ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang Pangulo ukol sa kondisyon ng kanyang kalusugan sa gitna ng chismis na siya ay may sakit o may stage 4 colon cancer, ang tugon ng Pangulo ay hindi dapat sineseryoso ng publiko ang social media.

”Eh ganon pa rin, I’m struggling kasi ayoko na tumaba ulit, nawala na ‘yung taba ko baka babalik. That’s what I’m taking care of,” ang sinabi ng Pangulo.

”I want to… nagpapasalamat naman po ako sa mga nagaalala sa akin, huwag niyo pong masyadong sineseryoso, ano ba naman ang social media, palabiro ‘yan eh. Wala po tayong problema,” aniya pa rin.

Winika pa ng Pangulo na nagbalik na siya sa kanyang regular routine sa nakalipas na tatlong buwan, binigyang diin na palagi siyang handang magtrabaho.

Nauna rito, sa susunod na linggo ay muling dudulog si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez sa Department of Justce (DoJ) para maghain ng reklamo laban sa mga taong nagpapakalat ng ‘fake news’ ukol sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Yung nagpapakalat on the health of PBBM, we’re collecting na all pieces of evidence and will initiate a complaint with the DoJ “hopefully next week,” ayon kay Gomez.

Nauna rito, patuloy kasing kumakalat sa social media ang impormasyong may stage 4 colon cancer si Pangulong Marcos.

Mariing itinanggi na ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sabay sabing hindi dapat basta pinaniniwalaan ang mga impormasyong walang malinaw na pinanggalingan, lalo na’t maraming kumakalat na fake news sa social media.

Mas mainam na kumuha ng impormasyon mula sa lehitimong media outlets kaysa sa mga hindi beripikadong social media posts. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here