MANILA, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasaherong maaapektuhan ng transport strike na ikakasa ng Piston at Manibela mula Setyembre 17 hanggang 19.
Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, nakahanda na ang Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, MMDA, at iba pang ahensya para sa “Libreng Sakay.”
Tukuyin naman ng LTFRB ang mga rutang posibleng maapektuhan.
Tatlong araw magwewelga ang Manibela bilang protesta sa excise tax sa langis at umano’y korapsyon, habang isang araw naman ang welga ng Piston sa Setyembre 18 laban sa VAT, excise tax sa langis, at korapsyon. RNT