Home NATIONWIDE DOTr: MRT-7, tuloy na may 14 istasyon

DOTr: MRT-7, tuloy na may 14 istasyon

19
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na ang MRT-7 project ay magkakaroon pa rin ng 14 na istasyon at hindi nabawasan sa 13, kasabay ng kumakalat na ulat tungkol sa posibleng pagbabago sa ruta.

Ayon sa DOTr, nananatiling bahagi ng proyekto ang San Jose del Monte (SJDM) station at hindi ito inalis sa aprubadong alignment ng MRT-7.

Ipinunto ng ahensya na tuloy ang konstruksyon at development ng linya, na mag-uugnay mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Dagdag pa ng DOTr, target na partial operations ng unang bahagi ng linya ay sa 2027, habang inaasahang makukumpleto ang buong 14 istasyon, kabilang ang SJDM at Tala stations, sa 2028.

Nilinaw rin ng transport department na ang mga naunang ulat tungkol sa pagtanggal ng SJDM station ay hindi totoo at walang pagbabago sa aprubadong plano ng MRT-7. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here