Home NATIONWIDE PAGASA: “Enhanced Habagat,” magdadala ng ulan sa Luzon, Western Visayas sa loob...

PAGASA: “Enhanced Habagat,” magdadala ng ulan sa Luzon, Western Visayas sa loob ng 2–3 araw

31
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng PAGASA na mararanasan ang enhanced southwest monsoon o “enhanced habagat” na magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas sa loob ng humigit-kumulang 2 hanggang 3 araw simula Hunyo 1, 2026.

Ayon sa weather bureau, lumalakas ang habagat dahil sa umiiral na kondisyon ng panahon sa paligid ng bansa, kaya mas apektado ang mga kanlurang bahagi ng Pilipinas kung saan dumadaan ang hanging southwest monsoon.

Posibleng maranasan ang paulanan, thunderstorms, at panaka-nakang malalakas na ulan, lalo na sa mga lugar sa kanlurang Luzon at Visayas. Dahil dito, posible rin ang pagbaha at landslide sa mga lugar na matagal nang naaapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat, lalo na sa mga lugar na prone sa baha at pagguho ng lupa, at patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather updates habang aktibo ang habagat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here