Home NATIONWIDE DOTr: Speed limiting device, ire-require sa mga trak, pampasaherong bus

DOTr: Speed limiting device, ire-require sa mga trak, pampasaherong bus

MANILA, Philippines – Para sa kaligtasan sa kalsada, ire-require na ng Department of Transportation (DOTr) sa mga trak at pampasaherong bus na maglagay ng mga speed limiting device.

Bahagi ang nasabing polisiya ng “Speed Limiter Act of 2016”.

Sa nasabing batas, nakasaad ang paglalagay ng mga device na maglilimita sa maximum speed ng sasakyan hanggang 90 kilometers per hour lang.

Sa ilalim ng batas, pagmumultahin ng P50,000 ang tsuper na nagpapatkbo o ang may-ari ng sasakyan na nagpapahintulot sa operasyon nito nang walang speed limiting device at maaring makulong.

Tinalakay ang batas sa isinagawang pagdinig sa Senate Committee on Public Services noong Lunes.

Sinabi ng DOTr na magsasagawa ito ng konsultasyon sa mga stakeholders kaugnay sa speed limits.

Ang implementing rules and regulations ng nasabing batas ay inilabas noong 2018 ngunit hindi naipatupad dahil sa limitadong bilang ng speed limiters sa bansa at walang alituntuni para sa national standard sa akreditasyon ng nasabing limiters. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)