MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senado na ibalik ang mga halagang ibinawas sa panukalang badget ng ahensya sa 2026 dahil sa pagbabawas batay sa Construction Materials Price Data (CMPD).
Ginawa ng DPWH ang apela bago ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa proposed spending plan para sa susunod na taon.
Bago ang bicam, binawasan ng Senado ang proposed 2026 budegt ng DPWH sa P570.48 bilyon ula sa P624.48 bilyon sa bersyon ng House of Representatives’.
Ayon sa DPWH, ang pag-apruba sa CMPD ay makatutulong sa ahensya na maiwasan ang mga problema sa pagpapatupad ng proyekto at mga isyung legal at administratibo.
Nag-isyu ang DPWH ng Departmen Order na natatakda ng mga alintuntuninara sa mga tanggapang nito kabilang ang Regioal at District Engineering Offices upang masunod ang updated CMPD. Jocelyn Tabangcura-Domenden