Home NATIONWIDE De Lima: Independent commission ‘di duplicate ng Ombudsman

De Lima: Independent commission ‘di duplicate ng Ombudsman

287
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Rep. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party-list na ang panukalang Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) ay hindi duplication ng Office of the Ombudsman (OMB).

Ayon kay de Lima, malinaw sa panukala na ang ICAIC ay hindi babawas o manghihimasok sa mandato ng ibang investigative agencies tulad ng Ombudsman at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Tututok lamang ang ICAIC sa umano’y anomalous flood control at iba pang infrastructure projects.

Dagdag niya, mas magiging focused at mas makapangyarihan ang bagong komisyon sa mga infrastructure cases kumpara sa Ombudsman, na saklaw ang lahat ng anti-graft at corruption cases sa bansa.

Ang ICAIC ay bubuuin ng limang miyembro, na pangungunahan ng retired na miyembro ng Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, o Sandiganbayan. Hindi lang SC retirees ang maaaring humawak ng posisyon dahil maliit ang bilang ng mga ito.

Ayon sa bersyon ng House, tatagal ang ICAIC hanggang Disyembre 31, 2028, maliban kung palawigin. Sa bersyon ng Senado, ang Independent People’s Commission (IPC) ay tatagal hanggang Hunyo o Hulyo 2028, maliban kung palawigin ng Kongreso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here