Home METRO DPWH naghahanap ng bagong teknolohiya upang pabilisin ang EDSA rehab

DPWH naghahanap ng bagong teknolohiya upang pabilisin ang EDSA rehab

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng bagong construction method para paikliin ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), itinuturing na ‘busiest thoroughfare’ sa Kalakhang Maynila.

Sa isang panayam, sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Engr. Loreta Malaluan na sinaliksik na ng departamento, sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr), ang mga “available road materials, procedures, and technologies that can be adapted to facilitate the implementation of the EDSA Rehabilitation Program in the shortest possible time.”

Ito’y ainsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ‘paikliin ang rehabilitasyon ng EDSA mula sa orihinal na dalawang taon ay magiging anim na buwan hanggang isang taon na lamang.

Matatandaang , pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Marcos ang nakatakdang rehabilitasyon ng Edsa.

Ayon sa Pangulo, ito ay para bigyang-daan ang masusing pag-aaral kung paano maiiwasan ang sobrang abala nito sa publiko.

“This new technology is expected not just to expedite the construction schedule but also to improve the overall pavement condition,” ang sinabi naman ni Malaluan.

Sa orihinal na plano, isasagawa ang reconstruction ng EDSA lane-by-lane at papalitan ito ng mga bagong kalsada.

Ang buong proyekto ay gagastos ng mula P8 hanggang P17 bilyon.

Sa kabila nito, pinag-aaralan ng DPWH ang “time and motion” process kung saan ang layer ay ilalagay sa taas na kasalukuyang surface ng EDSA.

Tuwing gabi rin umano gagawin ang roadwork ngunit kailangan pa rin ipatupad ang odd-even scheme upang mabawasan ang dami ng mga sasakyan.

Samantala, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang EDSA rehabilitation ay magsisimula sa susunod na taon dahil nagsimula na ang tag-ulan at pagkatapos nito ay ang Christmas rush sa panahon ng “Ber” months.

“If we have the space early next year, then we can start. Some of the sections na hindi most traveled, and that will not affect substantially the traffic movement,” ang sinabi ng Kalihim. /Kris Jose