Home METRO Drayber ng trak, pahinante nakuryente, patay

Drayber ng trak, pahinante nakuryente, patay

MANILA, Philippines – Patay ang drayber ng isang dump truck at pahinante nito matapos makuryente sa Taysan, Batangas.

Ayon sa ulat, inaayos ng drayber ang dump box ng rig ng kanyang trak nang tamaan nito ang isang live wire.

Dahil dito ay nakuryente ang biktima. Sinubukan pa siyang hilahin ng helper ngunit maging ito ay nakuryente rin.

“Noong ini-angat po niya ‘yung dump box nu’ng truck, tumama po siya sa live wire, kasi madilim po,” pahayag ng hepe ng Taysan police na si Police Major Mickglo Mariñas.

“Hindi po napansin ng driver natin na ‘yun po ‘yung naging rason kung bakit po siya nakuryente,” dagdag niya. RNT/JGC