Home HOME BANNER STORY Water cannon ng China nakamamatay – PCG

Water cannon ng China nakamamatay – PCG

MANILA, Philippines – Posibleng magdulot ng kamatayan ang water cannon attack na makailang beses nang ginawa ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“If you are going to look at how it bent the railing of the Philippine Coast Guard vessel because of the water, obviously that would be very fatal,” pahayag ni Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela sa isang panayam.

Matatandaan nitong Martes, Abril 30, ay binomba na naman ng China gamit ang water cannon ang Philippine civilian vessels na patungo sa Scarborough (Panatag) Shoal sa WPS para sa supply mission.

Nagtamo ng pinsala sa canopy at steel railing ang PCG vessel BRP Bagacay dahil sa water cannon attack ng dalawang malalaking barko ng CCG.

Binomba rin ng water cannon ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Bankaw, na bahagi rin ng misyon.

Inasinta ng China ang watawat ng Pilipinas sa pagbobomba ng tubig gamit ang water cannon.

“It just goes to show that Goliath is becoming more Goliath, they don’t hesitate to use brute force to violate international law,” ani Tarriela.

“We are not going to be deterred we are not going to yield despite all the harassment and provocative action. Hindi kami mapipigilan ng China,” pagpapatuloy nito.

Sa kabila ng panggigipit ng China ay nagpatuloy pa rin ang supply mission ng mga barko ng Pilipinas, 80 kilometro mula sa Panatag Shoal. RNT/JGC