Home NATIONWIDE Alyansa sa Lakas, NPC, NP at NUP target ni PBBM

Alyansa sa Lakas, NPC, NP at NUP target ni PBBM

MANILA, Philippines – Nagsimula nang mag-usap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Partido Federal ng Pilipinas kaugnay sa mga partido politikal para sa paparating na Eleksyon 2025.

”We have organized a steering committee, we will then go and make our alliances with the different parties. Of course, nandiyan ang Lakas, NPC, NP, NUP, lalong-lalo na sa House,” saad sa pahayag ni Marcos.

“Pero siyempre kailangan din natin kausapin siyempre mga governor, may sariling… may local party ‘yan,” dagdag ng Pangulo.

Aniya, handang makipag-usap ang iba pang mga partido.

”I have spoken to the other leaders of the other party and as far as I can tell eh mukha naman, willing naman lahat ng tao makipagusap and find a way around of this para naman pagdating ng halalan tayo ay nagkakaisa,” ani Marcos.

Kamakailan ay sinabi ni PFP national president South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo na target ng partido na magkaroon ng alyansa at koalisyon sa tatlong national political parties para sa paparating na halalan.

Sa ngayon, sinabi ni Tamayo na wala pang official senatorial slate ang partido para sa Eleksyon 2025. RNT/JGC