Home TOP STORIES Drone, missile attack ng Iran, napigil ng Saudi

Drone, missile attack ng Iran, napigil ng Saudi

184
0

RIYADH, Saudi Arabia – Inihayag ng Saudi Arabia noong Miyerkules na na-intercept nila ang pitong drones na patungo sa isang strategic oil field habang muling naglunsad ng opensiba ang Iran laban sa kanilang Gulf neighbors at energy infrastructure.

Ayon sa defense ministry, “Two drones heading towards the Shaybah oil field were intercepted and destroyed.” Ang limang natitirang drones ay na-intercept at nasira rin sa hiwalay na operasyon.

Ang Shaybah oil field ay mahalaga sa produksyon ng langis ng Saudi at pinamamahalaan ng Saudi Aramco.

Kasabay nito, sinabi ng Saudi na na-intercept din nila ang pitong ballistic missiles na tinutok sa silangang rehiyon ng bansa at sa Prince Sultan Air Base, kung saan isang Amerikanong sundalo ang nasugatan noong Marso 1 at namatay makalipas ang isang linggo.

Iniulat din ng United Arab Emirates na nakaranas sila ng bagong missile at drone attack mula sa Iran.

Ayon sa Iranian Revolutionary Guards, naglunsad sila ng mga missile laban sa Israeli cities kabilang ang Tel Aviv at mga US target sa rehiyon, kabilang ang US Navy Fifth Fleet base sa Bahrain, tatlong pasilidad sa Iraqi Kurdistan, at isang US base sa Kuwait.

Sa Bahrain, umabot na sa dalawang katao ang nasawi mula sa mga Iranian drone at missile attack. Sa Kuwait, inihayag ng National Guard na walo sa mga drone na tumutok sa bansa ay na-down. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here