MANILA, Philippines – Binuwag ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang drug den sa Bacoor City, Cavite nitong Sabado, Mayo 17.
Kasabay nito ay naaresto naman ang anim na suspek na kinilalang sina “Pablo,” 55; “Rizaldy,” 40; “Abner,” 45; “Jay R,” 44; “Ronaldo,” 41; at “Kaye,” 29.
Naaktuhan pa ang mga ito na sumisinghot ng shabu.
Narekober ng mga awtoridad ang nasa pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P48,300 at drug-sniffing paraphernalia.
Hindi na tinukoy sa report ang maintainer ng drug den.
Nahaharap ang lahat ng suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC