Home ENTERTAINMENT Ice, buntis daw, pumalag!

Ice, buntis daw, pumalag!

Manila, Philippines – Inalmahan ni Ice Seguerra ang balitang kumalat sa social media na nagdadalantao siya.

Bale ba, para magmukhang kapani-paniwala ang tsika’y kasamang naka-post ang sonogram.

Agad namang itinanggi ito ng singer-songwriter sa kanyang Facebook page, sabay post ng screen shot ng naturang tsika.

Nakasaad doon ang nagdudumilat na: “Fake news!!!”

“Hindi po ito totoo… bilbil ko lang ito!” post ng mister ni Liza DiƱo.

Hindi na bago sa pandinig ni Ice ang mabalitang nasa interesting stage siya.

Back in 2019, nabalita rin sa X (dating Twitter) na buntis siya.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na binalak ng showbiz couple to subscribe to IVF o in vitro fertilization.

Naisantabi nga lang nila ang planong ito dahil nagkasunud-sunod ang kanilang mga commitments.

To top it all, hindi birong halaga ng pera ang kakailanganin para maisakatuparan ang procedure na ‘yon. Ronnie Carrasco IIi