Home ENTERTAINMENT Willie, dismayado, ‘di pa ibabalik ang show!

Willie, dismayado, ‘di pa ibabalik ang show!

Manila, Philippines – Kung ang ibang kandidato’y malugod na tinanggap ang kanilang pagkatalo nitong nagdaang eleksyon, kabaligtaran ito sa nararamdaman ni Willie Revillame.

Balita kasing dismayado ang TV host.

Ayon daw sa kanya, marami siyang kinailangang isakripisyo–isa na nga ang kanyang daily show sa TV5.

Ang siste, nakalutang daw sa hangin kung ibabalik ni Willie ang kanyang Will to Win.

But as it appears now, bringing it back on air is not in the horizon.

Nope, hindi ‘yon dahil nasaid ang pondo ni Willie sa campaign expenses.

Sa katunayan, untouched ang personal funds ni Willie all because meron siyang sponsors.

Balitang inisponsoran siya ng may-ari ng isang mining company.

May mga nagsasabi ring isang party list (Galing sa Puso nga ba ‘yon?) ang nagpondo kay Willie.

Hindi nga lang tiyak if the mining company owner and the party list person are one and the same.

Basta isa lang ang pinagpipilitan ng mga keen political observers–kumita pa raw si Willie!

Panalo! Ronnie Carrasco III