MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Sabado, sa 266 miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Siklab-Laya” Class of 2025 na manatiling “mentally sharp” sa gitna ng lumalaking banta ng cyber warfare.
Sa pagsasalita sa commencement rites sa Fort del Pilar sa Baguio City, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga kadete na ang modernong labanan ngayon ay lampas na sa tinatawag na ‘traditional domain’.
“Beyond recognition, the most important lesson you carry is the understanding that warfare today goes beyond land, seas, and skies,”ang sinabi ng Pangulo, sabay sabing ang bagong battleground ay nangyayari ngayon sa cyberspace.
“We have battles that are invisible to radar – ones that take place in cyberspace, in protecting information, in safeguarding the environment, and in helping communities during crises.” aniya pa rin.
Pinaalalahanan naman niya ang mga nagsipagtapos o gradweyt na ang pisikal na lakas at liksi ay hindi sapat at “what we need just as much are your mental sharpness and your compassion.”
Pinayuhan naman ni Pangulong Marcos ang mga ito na i-apply o gamitin ang kanilang natutunan sa panahon ng kanilang pagsasanay at pinagdaanan sa akademiya lalo na sa larangan ng ‘artificial intelligence, drone technology, strategic thinking, at ethical leadership.’
Pinuri naman ng Pangulo ang Siklab-Laya Class bilang isang “class of many firsts,” tinukoy niya na ang mga ito ang first cadets na sinanay sa Pag-asa Island at naging kinatawan ng PMA sa international military forums at competition.
“I commend your perseverance, strength of will, and dedication,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “But above all, what matters most is your love for country – loving it genuinely despite its imperfections.”
“These are all important. But what is also important, and possibly the most important, is your love of country. That is, an officer who knows how to love his or her country despite its flaws, in the most sincere way,” aniya pa rin.
“Our country needs men and women who put their country and others above themselves; who sacrifice for the good of all; and who overcome odds because they believe in the bright future ahead.”dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Ang 266 first-class cadets ng Siklab-Laya Class ay binubuo ng 212 na lalaki at 54 na babae.
Tinatayang 137 ng 266 graduates ang sasama sa Philippine Army, 71 naman ang magsisilbi sa Philippine Navy, at 58 ay magiging bahagi ng Philippine Air Force.
Ang graduating class ay sumali sa akademiya noong kasagdagan ng Covid-19 pandemic noong 2021.
Ang class valedictorian, Cadet 1st Class Jessie Ticar Jr., ay pang-apat na kadete na nagtapos na graduate summa cum laude at mayroong pnakamataas na average sa hanay ng lahat ng mga gumradweyt.
Nakatakda naman siyang sumali o sumama sa Army. Kris Jose