Home METRO Drug suspect hinainan ng warrant sa kasong rape sa 13-anyos na pinsan

Drug suspect hinainan ng warrant sa kasong rape sa 13-anyos na pinsan

SAN MATEO, Rizal- Patong-patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang lalaking nakakulong sa kasong droga at sugal matapos mahatiran ng isa pang warrant of arrest kaugnay ng umano’y panggagahasa sa 13-anyos na pinsan sa San Mateo, Rizal noong 2016.

Kinilala ang suspek na si “Gerald,” 28, itinuturing na most wanted sa lalawigan.

Nasa kustodiya na si Gerald matapos madakip noong Hunyo 4. Ipinag-utos ng korte noong Hunyo 10 ang pagsilbi ng warrant sa loob ng San Mateo MPS Custodial Facility.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente ng pang-aabuso noong Enero 2016. Tumanggi si Gerald sa mga akusasyon at sinabing nagbibigay siya ng pahayag sa korte.

Ayon kay Rizal PPO Director Col. Felipe Maraggun, bunga ito ng patuloy nilang operasyon laban sa most wanted ng lalawigan. Mary Anne Sapico