MANILA, Philippines- Halos limang milyong Pilipino ang nabenepisyuhan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2024.
“The utilization rate of the P26.7 billion allocation for AKAP in 2024 reached 99.3 utilization during its first year of implementation,” ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao.
Ang Cagayan Valley (Region 2), Davao Region (Region 11) at Caraga (Region 13) ay mayroong 100% utilization.
Nagbibigay ang AKAP ng P5,000 cash assistance sa bawat “eligible beneficiary.” Upang maging kwalipikado, ang pamilya ay dapat na may income o kita na mas mababa sa poverty threshold at hindi nakatatanggap ng tulong mula sa ibang programa ng pamahalaan.
Saklaw ng AKAP ang medical, funeral, food, at cash relief na ibinibigay ng direkta sa pamamagitan ng Crisis Intervention Units/Sections ng DSWD kapwa sa central at field offices at sa pamamagitan ng Social Welfare and Development and Satellite Offices sa iba’t ibang bansa.
Sa P6.326-trillion national budget para sa 2025, P26 bilyon ang alokasyon para sa AKAP program, inaasahan na mapakikinabangan ng limang milyong ‘minimum wage earners’ at mga Pinoy na nasa panig ng ‘poverty threshold’ base sa DSWD records.
Ang Poverty Threshold ay ang halaga ng kita na maaaring makatugon sa minimum na pagkain at iba pang pangangailangan ng isang tao o pamilya.
Bilang pagtalima sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr., ang Kalihim ng DSWD, Department of Labor and Employment at National Economic and Development Authority ay magpupulong ngayong araw ng Biyernes, Enero 3 para gumawa ng draft ng mga alituntunin para sa pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng AKAP funds.
Sa kabilang ako, tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang AKAP ay insulated o hiwalay sa politika sa gitna ng pangamba na ang budget nito ay gagamitin sa 2025 midterm elections.
“The DSWD will not be used by anybody for their political gains, not next year, not ever. The DSWD social workers do stringent verification and validation processes for clients who seek financial assistance, with or without referrals from legislators and local government unit (LGU) officials,” ang sinabi ni Gatchalian.
“There is no line item that entitles any congressional district or LGU to have an allocation in any amount and lodged this with the DSWD that could benefit their constituents. Referrals from legislators and local executives are entertained pursuant to existing DSWD guidelines. Our social workers, and not politicians, determine the beneficiaries,” dagdag nito.
Idagdag pa rito, winika pa rin ni Gatchalian na field offices ng DSWD ay aktibong nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga opisyal ng LGU sa ‘payout activities’ subalit para lamang sa logistical support. Kris Jose