MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na sinasaliksik nito ang lahat ng collaborative measures kasama ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) sa layuning tugunan ang “funding gaps” sa basic education programs ng departamento.
Sinabi ng DepEd na layon nitong dagdagan ang pondo sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations at iba pang constitutional mechanisms para suportahan ang mahahalagang programa nito kabilang na ang DepEd Computerization Program (DCP).
Nito lamang araw ng Lunes, Disyembre 30, ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Republic Act (RA) No. 12116 o ang 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagtatakda ng P6.326 trillion halaga ng national budget para sa taong 2025, kung saan nakatanggap ang education sector ng alokasyon na P1.055 trillion—itinuturing na may “highest share” sa P6.326-trillion budget para ngayong fiscal year.
Sinabi naman ni Education Secretary Sonny Angara na sa kabila ng nakuha ng education sector, ang pinakamalaking alokasyon ngayong 2025, binigyang-diin ng Kalihim ang pangangailangan para sa ‘interagency cooperation’ para pondohan ang funding gaps sa ilang programa ng DepEd.
“Education remains a top priority for this administration, and we will be working closely with the DBM and DOF to explore funding mechanisms that will enable us to deliver our mandate. Education is everyone’s business and we’re aiming for closer collaboration,” ang sinabi ni Angara.
“DepEd remains hopeful that its partnership with government agencies and stakeholders will help address ongoing challenges and ensure that critical initiatives address the needs of Filipino learners,” dagdag na wika ng Kalihim. Kris Jose