MANILA, Philippines- Hindi nababahala ang Philippine Navy sa nadiskubreng underwater drone sa katubigan ng San Pascual, Masbate.
Sa ulat, sinabi ni Navy spokesman Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang matingkad na kulay ng drone ay upang maaari itong makita mula sa hangin.
“We need to do further analysis on it para masabi natin, matiyak natin kung saan galing, anong gamit nun, anong ginagawa nun,” ayon kay Trinidad.
“Usually bright colors like yellow, red, orange, these are for scientific research or for fishing use like tracking of schools of fish for fishing purposes. They are designed to be seen from the air,” dagdag ng opisyal.
“So, hindi naman ito alarming,” diing pahayag nito.
Natuklasan ng mga mangingisda sa San Pascual ang 2.72-meter-long drone na lumulutang sa nasabing katubigan noong Disyembre 30.
Kaagad namang tiningnan ng explosive ordinance disposal team ng Bicol Region Police ang naturang device.
Bagama’t hindi naman ito isang explosive device, sinabi naman ng lokal na pulis na ang marka ay nagpapahiwatig na ito’y isang “underwater navigation at communication system.”
“Ang very visible po sir na marking, yung HY-119..Sinearch sa internet ng ating mga pulis at lumalabas nga po sir na this refers to Chinese underwater navigation and communication system….yun din ang nag-push sa atin para iturn over na lang po ito sa ating kapatid sa Philippine Navy,” ang sinabi ni Police Regional Office V chief Police Brigadier General Andre Dizon.
Samantala, naniniwala naman si security analyst Rene De Castro na ang underwater drone ay maaaring maging military device.
“For military purpose po yan. Siguro for operation, tinitingnan siguro ‘yung underwater terrain for submarine operations po,” ayon pa rin kay De Castro sabay sabing, “For submarine warfare, hindi ko na ho kinagugulat ‘yan, kasi talagang mainit ang ulo ng Tsina sa atin.”
Hindi naman na magtataka si Surigao del Norte Representative Ace Barbers kung ang Tsina ang gumagawa ng underwater surveillance sa gitna ng territorial dispute sa pagitan ng Beijing at Maynila.
“With the recovery by local fishermen of a Chinese military-owned underwater drone off the waters in San Pascual, Masbate last Monday, he said it is not farfetched that China has long been conducting in-depth intel gathering inside Philippine waters, possibly including data about deuterium,” giit ni Barbers.
Dahil dito, patuloy na itinutulak ni Barbers ang pagtatayo ng EDCA sites sa Surigao del Norte para protektahan ang eastern seaboard ng bansa mula sa mga dayuhang nanghihimasok. Kris Jose