Home NATIONWIDE DSWD handa na sa food packs, augmentation funds sa epekto ni Enteng

DSWD handa na sa food packs, augmentation funds sa epekto ni Enteng

MANILA, Philippines – Handa na ang Department of Social Welfare and Development sa mga food packs na ipamimigay sa mga lokal na pamahalaan na mapupuruhan ng tropical storm Enteng.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang DSWD ay naghanda ng “more than P970 million in family food packs and non-food items” sa local government units sa buong bansa.

Laman ng family food pack ang bigas, canned sardines, tuna flakes, corned beef, coffee at mga tsokolate na kayang pakainin ang isang pamilya na may limang miyembro sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Naipamahagi na ang mga food packs na ito sa ilang bahagi ng Bicol region.

Maaari rin paganahin ng DSWD ang partnership agreements nito sa private distributors para sumuporta sa Family Food Packs na nakahanda.

Tumulong din ang DSWD sa mga pasaherong istranded sa Tabaco Port sa Albay sa pagbibigay ng hot meals sa mga ito.

Samantala, naka-standby lang ang mga field offices sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. RNT/JGC