MANILA, Philippines — Tuluyan nang ibinasura ng PVL ang kontrobersiyal na protesta ng PLDT kaugnay sa net fault challenge, ayon sa pahayag ng koponan noong Linggo ng gabi.
Natalo ang High Speed Hitters sa isang heartbreaker sa kamay ng Akari sa knockout semifinal matapos ang Chargers ay tumakas sa iskor na 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15 noong Sabado.
“Nakalulungkot naming ibinabahagi ang balita na ang Premier Volleyball League ay nagpasya na i-junk ang aming protesta tungkol sa desisyon ng mga referee na huwag tumawag ng net touch sa isang mahalagang yugto ng aming laban laban sa Akari sa semifinals,” ayon sa koponan sa kanilang statement.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang PLDT matapos ang kanilang protesta, sa paniniwalang si Ezra Madrigal ay nakagawa ng net fault violation nang hamunin ng coaching staff ang play midway rally sa 14-13 lead sa fifth set.
Umatras naman ang PLDT sa paglalarosa Invitational Conference ngunit nilinaw ni coach Rald Ricafort na ang hakbang ay para sa kalusugan ng kanilang pagod na mga manlalaro at walang kinalaman sa semifinal loss nito kay Akari na nabahiran ng kontrobersyal na tawag.
Sinabi ni Ricafort noong Linggo na maglalaro sila ng bronze medal game laban sa sister team na Cignal sa gitna ng pagkadismaya sa kanilang nabasurang protesta at nasirang pag-asa sa kampeonato.
Ang PVL ay hindi pa nagbibigay ng update tungkol sa usaping protesta sa oras ng pag-post ngunit sa pahayag ng koponan,hindi pinaboran ang kanilang protesta.JC