Home HOME BANNER STORY DSWD nagbabala: Christmas bonus sa 4Ps, fake news

DSWD nagbabala: Christmas bonus sa 4Ps, fake news

248
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga kumakalat na Facebook posts na nagsasabing may ipamamahaging Christmas bonus para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, hindi totoo ang mga post na ito at maaaring pakana ng mga online scammer upang makuha ang pribadong impormasyon ng mga benepisyaryo.

Kaya’t mahigpit niyang pinaalalahanan ang publiko na huwag i-repost ang mga maling anunsiyo at maging maingat sa pag-click ng mga link.

Ang babala ay bahagi ng kampanya ng DSWD na “Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon” (3TI), na layong protektahan ang publiko laban sa fake news at maling impormasyon tungkol sa mga programa ng ahensya.

Binigyang-diin ni Dumlao na hindi kailanman hihingi ang DSWD ng personal na detalye sa social media, at ang mga opisyal na impormasyon ay nagmumula lamang sa mga City at Municipal Links, at opisyal na social media pages ng 4Ps at DSWD.

Dagdag pa niya, bilang Data Protection Officer, sinusunod ng DSWD ang Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012, kaya hindi sila nagpo-post ng detalye ng mga benepisyaryo.

Hinimok din ng DSWD ang publiko na agad i-report ang anumang anunsiyo o balitang may kinalaman sa DSWD na hindi galing sa opisyal na pinanggagalingan, upang maiwasan ang panlilinlang at kalituhan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here