MANILA, Philippines – Nakaalerto ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama ang mga Field Office nito sa buong bansa, bago ang pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2, ayon sa pagkakasunod-sunod, upang magbigay ng agarang tulong sa mga pamilya at indibidwal na maaaring mangailangan ng tulong mula sa DSWD.
“Nagbaba ng direktiba si Secretary Rex Gatchalian sa lahat ng aming regional directors para matiyak na handa ang aming Field Offices sa anumang kaso kinakailangan ang tulong ng mga kababayan natin na uuwi sa kani-kanilang probinsya,” sabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) ng DSWD kanina Huwebes (Oktubre 30).
Sinabi ni Asst. Secretary Dumlao, na siya ring tagapagsalita ng DSWD, na mayroong sapat na relief items ang Departamento tulad ng ready-to-eat food (RTEF), family food packs (FFPs), at iba pang food and non-food items, lalo na para sa mga indibidwal na maaaring ma-stranded habang bumibiyahe sila sa kanilang mga probinsya para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
“Mayroon kaming nakalagak na FFPs sa aming mga warehouses at naka-preposition na mga RTEF sa iba’t ibang daungan o pantalan. Sapat po ang food at non-food items natin,” the DSWD spokesperson pointed out.
Kaugnay nito naka-standby din ang DSWD Quick Response Teams (QRTs) sa buong bansa, tulad ng binanggit ng opisyal ng DRMG, para tumugon sakaling may mangyari na hindi kanais-nais na mga insidente o maaaring mangyari.
Naka-full alert din ang QRTs para tumulong sa mga local government units (LGUs) sakaling kailanganin nila ang augmentation support.
“Sa DSWD, 365 days a year ang aming disaster preparation. Hindi kami tumitigil, kahit ngayong paparating na undas, para masiguro natin na hindi tayo makakapagbigay ng tulong sa mga kababayan natin na posibleng maapektuhan ng dagsa ng tao sa daan habang pauwi sa kanilang probinsya,” sinabi ni Dumlao. (Santi Celario)