Home METRO DSWD patuloy naghahatid ng pagkain, ayuda sa mga biktima ng lindol sa...

DSWD patuloy naghahatid ng pagkain, ayuda sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

1
0

MANILA, Philippines – DSWD chief pinangunahan ang feeding program para sa mga bata sa Glan Tent City; nangangasiwa sa pagbabayad ng cash aid ng GenSan ECT para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng masustansyang pagkain sa mga internally displaced persons (IDPs) sa panahon ng kalamidad, bumisita si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Tent City sa Glan, Sarangani province noong Martes (Hulyo 7).

Pinangunahan ni Secretary Gatchalian ang pamamahagi ng 209 child-friendly at masustansyang pagkain sa mga bata at kanilang pamilya na pansamantalang naninirahan sa evacuation center kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, 2026.

“Nandito ako ngayon para i-assure sila na hindi nakakalimutan ng pamahalaan at ng [ating] pangulo ang mga biktima ng earthquake. Maaring wala na kayo sa balita, pero nandito pa rin ang pamahalaan,”  sabi  no Secretary Gatchalian.

Sa pagbisita, muling iginiit ng DSWD chief na kasalukuyang tinatapos ng Departamento ang isang pangmatagalang plano sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) ng Sarangani, General Santos City, at iba pang apektadong lalawigan sa Mindanao. Ang planong ito ay naglalayong ilipat ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sa lindol.

“Papunta na tayo sa long term path. Ano pa bang pwedeng gawin para mapabilis ang pag-uwi at pag kumpuni ng kanilang mga tahanan. Hindi rin sila pwedeng tumagal sa evacuation center dahil hindi safe sa mga bata lalo na’t nag uulan na. Ang layunin natin is to help them get back to normal (life),”  ani Secretary Gatchalian 

Ayon sa hepe ng DSWD, ang General Santos City LGU ay bumili ng lote para makapagtayo ng mga bagong tahanan para sa mga kabahayan na tuluyan nang nawasak ang mga tirahan.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng iba pang local chief executives (LCEs) sa DSWD para makipagtulungan at magsagawa ng mga planong magpapabilis sa pagbawi ng mga IDP.

Laugnay nito nakiisa rin si Secretary Gatchalian sa pamamahagi ng school supplies para sa mga bata at naobserbahan ang mga tauhan na naglalagay ng mga flooring tile para sa mga tent ng pamilya sa Glan.

Kasunod ng kaganapan, agad na nagtungo ang DSWD chief sa General Santos City para pangasiwaan ang emergency cash transfer (ECT) payouts para sa mga kabahayan na naapektuhan ng lindol.

Sa Oval Plaza ng lungsod, nakipag-ugnayan si  Sec. Gatchalian sa mga benepisyaryo ng ECT at mga tauhan ng Field Office (FO) ng DSWD na nangangasiwa sa pagbabayad.

Magbibigay ang DSWD ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php5,175 bawat isa sa kabuuang 4,376 na bahagyang apektadong benepisyaryo.

Mula nang simulan ng pamahalaan ang mga pagsisikap sa pagtulong sa lindol, ang DSWD ay naglabas ng halos Php1 bilyon na tulong pinansyal. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here