Home HOME BANNER STORY DTI: Pax Silica sa Tarlac, ‘di tatayuan ng AI data centers

DTI: Pax Silica sa Tarlac, ‘di tatayuan ng AI data centers

1
0

MANILA, Philippines — Nakatuon sa advanced manufacturing ng hardware at kagamitan para sa artificial intelligence infrastructure ang planong Pax Silica development sa New Clark City at hindi sa pagtatayo ng AI data centers, paglilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI).

“The AI data centers themselves will not be in New Clark City,” sinabi ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo sa pagdinig ng House Committee on Appropriations.

Ayon kay Rodolfo, pinag-aaralan ang ibang lokasyong may mas angkop na suplay ng kuryente at tubig para sa mga data center, na nangangailangan ng malaking halaga ng naturang resources.

Iginiit din niyang hindi dapat umasa sa pondo ng gobyerno at mga lokal na utility ang mga pribadong kumpanyang magpapaunlad sa New Clark City.

“Ang basic condition po sa magde-develop ng New Clark City ay hindi galing sa funds ng gobyerno. You have to build your own roads, bring your own power and then secure and reuse your own water,” aniya.

Gayunman, nagpahayag ng pangamba si Akbayan Party-list Rep. Percival Cendaña sa posibleng epekto ng pagkuha ng tubig para sa mga pasilidad sa mga kalapit na komunidad.

“Kasi alam naman natin, pag tubig, doon magta-tap sa ating water table. Kailangan ’yan ng ating mga kababayan,” sinabi ni Cendaña.

Hindi naman tinukoy sa pagdinig ang mga alternatibong lokasyong pinag-aaralan para sa AI data centers at kung paano titiyakin na hindi maaapektuhan ang suplay ng tubig at kuryente ng mga komunidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here